Grupo ng Hasidic Jews, pinagtulungan ang isang gay nalalaki sa Brooklyn!

  • 9 years ago
Grupo ng Hasidic Jews, pinagtulungan ang isang gay nalalaki sa Brooklyn!


Limang Hasidic Jews, naaresto matapos asultuhin ang isang gay sa Brooklyn.

Limang Hasidic Jews ang naaresto noong Miyerkules sa New York, para sa brutal na pag-asulto nila sa isang lalaking gay noong Disyembre, na inimbestigahan bilang isang hate crime.

Si Taj Patterson, na isang fashion student, ay naglalakad pauwi sa Flushing Avenue, Brooklyn, nang nilapitan siya ng isang gang ng dalawampung Hasidic Jews, na inakusahan siya ng pag-vandalize sa mga kotse sa lugar na iyon.

Ayon kay Patterson, ang gang, kung saan kabilang ang volunteer patrol na shomrim, ay tinulak siya sa kalsada, bago siya paulit-ulit na tinadyakan at pinagsusuntok, habang nagsisigaw ng mga anti-gay slurs.

Ang nagsimula ng attack at sinipa si Patterson sa ulo, at sinabihan siyang manatili sa sahig, habang nagchi-cheer ang ibang mga lalaki.

Dahil sa asulto, nabali ang isang eye socket ni Patterosn, na-detach ang kanyang retina, at nagkaroon siya ng mga sugat at pasa sa kanyang mga tuhod at paa.

Na-arraign ang limang suspects noong April 23, at nakapagpiyansa sa halagang 25-50,000 dollars. Sila ay haharap sa dalawampu't limang taong pagkabilanggo, kapag sila ay nahatulan ng guilty. Inaasahang madadagdagan pa ang listahan ng mga naarestong suspect sa kasong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended