Most trusted election coverage, ihahatid ng GMA ngayong Eleksyon 2022

  • 2 years ago
Sa pinakamahalagang araw sa ating bayan, muling ihahatid ng biggest Philippine TV network ang biggest, most comprehensive, at most trusted election coverage.

Magsasanib puwersa ang mahigit isang libong news and public affairs personnel sa telebisyon, radyo, at online.

Gamit ang state of the art technology, tututukan at bibigyan ng konteksto ang mga balita sa mga live reports at newscast.

Buong puwersa, buong puso, at buong tapang na ihahatid ang most trusted election coverage sa bansa -- ito ang 'Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage,' ngayong May 9, 2022, simula 4:00 ng umaga.