Eleksyon 2022: The biggest election coverage is now online! | Teaser
  • 2 years ago
Ngayong Eleksyon 2022, inihahandog ng GMA Network ang interactive eleksyon 2022 website (www.ELEKSYON2022.ph) upang tulungang kilalanin ang bawat kandidato at maging handa sa pagboto ang mga PIlipino.

Gamit ang website, maaaring makita dito ang bilang ng mga boto mula sa bawat voting precincts sa bansa at sama-samang mababantayan ang resulta ng national at local polls.

Diretsong ihahatid ng GMA ang pinakamainit na election updates sa mahigit sa 173 milyon na followers at subscribers ng GMA News and Public Affairs social media pages.

Buong puwersa, buong puso, at buong tapang na pagbabalita para sa Pilipino, ang 'Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage,' ngayong May 9, 2022, simula 4:00 ng umaga.