RTx: ILANG OFWs SA SAUDI, 4 NA BUWANG HINDI PINASWELDO, PINALAYAS PA SA TINUTULUYAN!
  • 4 years ago
"Para po kaming mga aso na pinalayas doon sa tinitirhan namin".

Ganyan ang dinanas ng ilan nating kababayan sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19 pandemic. Ang ilan sa kanila, apat na buwan na ngang hindi pinasahod, pinalayas pa ng kanilang amo sa kanilang tinitirhan.

Pero dahil kailangang lumaban para sa pamilya, maging ang tira-tirang pagkain sa basurahan, tinitiis nila makakain lang. Bukod dito, humihingi na rin sila ng limos mairaos lang ang pangangailangan araw-araw. Ang kuwento ng ating mga kababayan sa Saudi Arabia, panoorin! #RTx
Recommended