RTx: Pinay domestic helper sa Hong Kong, sinuntok at tinutukan pa ng kutsilyo!
  • 4 years ago
"May kapatid ‘yung amo ko dito, tapos sinuntok ako sa dibdib. Hindi pa nga tapos 'yung pagtatrabaho ko sa taas e, lumapit siya agad sa akin. Sinuntok ako niyan tapos ngayon parang may trauma na ako".

Pang-aabuso ang inabot ni Cherie Daquil sa kapatid ng Chinese nitong amo sa Hong Kong. Dahil dito nanawagan si Cherie ng tulong matapos maranasan ang pang-aabusong ito. Sa katunayan, hindi raw ito ang unang beses na pinagbantaan siya ng kapatid ng kanyang amo!

Nang mangyari ang insidente, tanging ang alaga ni Cherie ang nakasaksi sa ginawang pang-aabuso sa kanya. Ngayong nais ni Cherie na mabunyag ang katotohanan, panigan kaya siya ng kanyang alaga? Makaligtas pa kaya siya sa pang-aabusong ito? Ang buong kuwento, panoorin sa video! #RTx
Recommended