Polar bear na nangangagat, napaalis sa pamamagitan ng cellphone!

  • 9 years ago
Polar bear na nangangagat, napaalis sa pamamagitan ng cellphone!

Ang cute sana...kung maamo lang palagi!

Si Garett Kolsun ay naglalakad pauwi sa kanyang tinitirhan sa Manitoba, Canada, nang bigla niyang napansin na may osong puti na papalapit sa kanya.

Sinubukan niyang manghanap ng lugar na matataguan, pero sarado ang lahat ng tindahan.

Habang siya'y hinahabol ng oso, hinarap ito ni Kolsun at tumakbo siyang paurong. Sinubukan niyang takutin ang oso sa pamamagitan ng pagsigaw at paggalaw ng kanyang mga braso.

Na-korner ng oso si Kolsun sa harap ng isang panaderya, kung saan nakagat nito si Kolsun sa balakang.

Desperadong tumakas, hinugot ni Kolsun ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa at tinutok niya ang ilaw nito sa mukha ng oso.

Salamat sa Diyos -- at sa cell phone - at napaatras ang oso sa gulat, kaya naitakas ni Kolsun ang sarili niyang buhay.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended