Babae, namatay matapos maipit sa roller shutter door sa Taiwan

  • 9 years ago
Babae, namatay matapos maipit sa roller shutter door sa Taiwan

Babae, namatay matapos maipit sa isang roller shutter door, o paikot na bakal na pintuan.

Isang 58-year-old na babae mula sa Kaohsiung, Taiwan, ang namatay nang siya ay naipit sa isang roller shutter door kahapon ng umaga.

Sinugod ang babae sa ospital, pero hindi siya naligtas.

Ang aksidente ay nangyari bandang alas singko ng madaling araw sa Fengshan, Kaohsiung, habang papalabas ang babae para mag-exercise. Bumagsak ang roller door, at naipit ang leeg ng babae.

Isang laalkign nagde-deliver ng diyaryo ang nakatagpo sa babae, at tumakbo ito papunta sa police station at humingi ng tulong.

Tumulong ang mga firefighters, pero nang maalis nila sa leeg ng babae ang pinto, ay hindi na ito humihinga.

Ginising ng mga firefighters ang asawa ng babae, na natutulog sa second floor. Ang babae ay kinumpirmang patay nang makarating ito sa ospital.

Ayon sa asawa ng babae, lumalabas ito para mag-exercise at nga-uuwi ng agahan para sa kanilang dalawa pagkatapos. Hindi niya alam kung paano o kung bakit naipit sa ilalim ng pinto ang kanyang asawa.

Susuriin ng pulis ang CCTV video para alamin nang mas mabuti ang mga pangyayari.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended