Chihuahua, namatay matapos maipit sa likod ng reclining chair!

  • 9 years ago
Chihuahua, namatay matapos maipit sa likod ng reclining chair!


Sabihin nating binili mo na rin sa wakas ang recliner para hindi na sumakit ang iyong likod. Ang sarap ng amoy ng bagong leather, at talagang tumigil na ang sakit sa likod mo. Maayos ang lahat, hanggang sa...

Kung kayo ay may reclining armchair ay maliit na alagang bata o hayop sa bahay -- panoorin ito, dahil ito at tutoong nangyari...

Si Paul Gardner ng Barnet, North London, ay gumastos ng 1,000 pounds sa isang four-week-old na pedigree Chihuahua puppy, na pinangalan niyang Tillie...

Niregalo niya ang aso sa kanyang girlfriend na si Lynsey Smith, na kailan lang ay namatayan ng lolo. Ang aso at kinatuwa ni Lynsey.

Pero hindi alam ni Paul at ni Lynsey, na ang kanilang hydraulic armchair, na kumikiling paharap para maayos na makatayo ang mga matatanda, ay maaring ikamatay ng kanilang alaga...

Si Tillie ay natagpuan nilang patay, matapos maipit sa likod ng upuan!

Napakasama ng loob nina Paul at Lynsey! Ayon kay Paul, na may kaunting alam tungkol sa mga kasangkapan sa bahay, ay sinabing hindi pa siya nakakita ng ganito kasamang disenyo ng upuan.

Ayon sa isang spokesperson para sa kompanyang Medequip, na supplier ng Barnet Council community equipment services, iniimbestigahan nila ang insidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended