Teenager sa Georgia, namatay matapos maglaro ng 'Shopping Cart Game!'

  • 9 years ago
Teenager sa Georgia, namatay matapos maglaro ng 'Shopping Cart Game!'


High school student sa Georgia, nalunod habang ginagawa siyang...anchor?

Para sa mga magulang, nakausap niyo na ba ang inyong mga anak tungkol sa paggamit ng mabibigay na tao, bilang mga anchors? Ito kasi ay bagong pauso, at dahil dito ay namatay ang 18-year-old na si Chance Werner ng Cartersville, Georgia, Sabado ng gabi.

Si Chance ay namatay, ilang oras lamang matapos siyang grumaduate mula sa high school. Ginamit kasi siyang anchor ng kanyang mga kaibigan, na naglaro ng 'shopping cart game.'

Ang 'shopping cart game' ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng iyong kaibigan sa isang shopping cart, na nakatali sa power pylon sa dock. Pagkatapos, ay may tutulak sa cart hanggang sa sumabit ang tali, at ang nakasakay sa cart ay tatalsik sa lago.

Noong Sabado ng gabi sa Altoona Lake, ginamit ng mga bata si Chance para maging kapalit ng pylon, o poste. At pagtulak nila ng shopping cart pababa sa dock, nakasunod si Werner.

Mas maayos palang maging anchor ang shopping cart kaysa kay Chance...at hindi inakala ng grupong ito na magiging disgrasya ang kanilang laro.

Natagpuan ng fire department ang katawan ni Chance, na nakatali pa rin sa shopping cart, nakalubog sa tubig na may 30 feet ang lalim, makalipas ang tatlong oras.

So bukod sa planking, car surfing, huffing, choking, at ang pagiging high sa ihi ng pusa...maari nang idagdag ng mga magulang ang shopping cart game sa listahan ng mga bagay na dapat nilang ipa-iwas sa kanilang mga anak.

Mag-ingat lang, at baka maisipan itong gawin ng inyong mga anak, dahil binanggit niyo ito sa kanila!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended