Mag-boyfriend na teenager, namatay matapos silang pagbawalang magkita ng kanilang mga magulang!

  • 9 years ago
Mag-boyfriend na teenager, namatay matapos silang pagbawalang magkita ng kanilang mga magulang!


Mag-boyfriend na nasa junior high school, namatay matapos silang pagbawalang magsama ng kanilang mga magulang.

Ang batang mag-boyfriend ay nag-aral sa Shui Lin Junior High school sa Yunlin County, sa Taiwan. Ang 15-year-old na babaeng si Chang, ay nasa third year na, samantalang ang 14-year-old na lalaking si Lee ay second year pa lang.

Noong Sabado, umalis ang dalawa mula sa kanilang bahay, at nawalan ng contact sa kanilang mga pamilya. Ayon sa ina ng babae, nag-away daw sila ng kanyang anak dahil sa lovelife ng bata. Bago magpunta ang babae sa bahay ng kanyang lola, ay binantaan niya ang kanyang ina, na kapag binanggit muli ng kanyang ina ang kanyang loveife, ay hindi na siya magpapakita.

Kinagabihan ay hindi umuwi sa bahay ang babae. Tinawagan ng kanyang ina ang pulis, nang nalaman niya na nawawala rin ang boyfriend ng kanyang anak. Makalipas ang dalawang araw, ay natagpuan ng pulis ang katawan ng dalawang bata, sa nalalapit na ilog.

Naniniwala ang pamilya ng mga bata na sila ay pinatay, o naaksidente. Hindi sila naniniwala na posibleng nagpakamatay ang mga ito, dahil pinagbawalan ng kanilang mga magulang ang kanilang pag-ibig.

Ayon pa sa kanilang mga pamilya, sila ay magkaklase lang, at hindi nila alam kung bakit ini-report ng media na sila ay mag-boyfriend.

Nalungkot ang kanilang mga kaklase nang nabalitaan nila ang mga nangyari, at sinabi nilang alam nila na sila ay mag-boyfriend. Base sa kanilang mga Facebook accounts, sila ay nagsimulang mag-date noong Setyembre.

Ayon sa presidente ng eskuwelahan, madalas na magkasama ang dalawang bata, itong huling mga linggo, pero hindi naman ito minasama ng eskuwelahan, at humingi sila ng paumanhin na hindi nila naalagaan nang mabuti ang mga ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.co

Recommended