Fashionable na magnanakaw, wanted para sa walong bank robbery sa NYC!

  • 9 years ago
Magnanakaw na mahilig sa sumbrebo, nagsuot ng walong sombrero para nakawan ang walong magkakaibang bangko sa New York!

Hats off kami sa magnanakaw na ito…na nagawang nakawan ang walong magkakaibang bangko sa loob ng dalawa’t kalahating buwan, sa New York.

Ang pagkakaiba niya sa ibang magnanakaw ay ang kanyang fashion sense – sa bawat pagnanakaw, ay nagsuot siya ng ibang klaseng sombrero. Daig pa ang Kentucky Derby!

Ito ay iilan lamang sa mga exagg niyang kasuotan, na nakunan sa surveillance camera.

Kapag nagpatuloy ang kanyang crime spree, hindi na namin ma-imagine kung ano ang susunod niyang imo-model para sa atin.

At kahit na may sangkatutak na ebidensiya ang pulis sa kasong ito, hindi pa nila ma-solve ang kaso, at nag-post na sila ng 5 thousand dollar reward para sa kahit na sinong may impormasyon tungkol sa mad hatter na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH