Bela Padilla, nagulat sa iginawi ng Japanese audience sa kanyang pelikula
  • 4 years ago
Nagulat si Bela Padilla sa iginawi ng Japanese audience matapos panoorin ang pinagbibidahan niyang pelikula na "Mañanita" sa Tokyo International Film Festival 2019.

Isa sa mga entry sa international competition ng mga pelikula ang Paul Soriano-helmed movie na ito tungkol sa isang babaeng retired military sniper.

Nasaksihan ni Bela kung gaanong na-appreciate ng mga Hapon ang kanilang pelikula at kung paanong tinapos muna ng mga ito maski ang pag-roll ng credits o paglabas ng mga pangalan ng mga involved sa production, bago tumayo at nagpalakpakan.

Sabi nga ng nag-i-interview sa kanyang si Mario Dumaual ng ABS-CBN News, "Iba yung respeto, ano, sa mga Hapones?"

Kinumusta rin kay Bela ang balitang nagka-crush pa raw ang isa sa organizers ng film festival sa Japan nang makita siya nang personal.

#belapadilla #mananita

Video: Bernie Franco
Edit and Text: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts
Recommended