• 3 weeks ago
PBBM, inaprubahan ang pagpapalawig sa konstruksiyon ng 2 pangunahing flood control projects

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Asahang matutugon na na ang problema sa pagbahasan Metro Manila at karatig provinsya.
00:04Sa tulungan ng dalawang malaking flood control projects na inaprobahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
00:10Si Kenneth Paciente sa report.
00:15Sa harap ng hamon ng climate change, mas pagtutuunan pa ng pansin ng pamahalaan ng dalawang pangunahing flood control projects sa bansa.
00:23Sa ikadalawamput dalawang NEDA board meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,
00:28inaprobahan nito ang pagpapalawig pa ng konstruksyon at iba pang adjustment ng Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project
00:35at Pasig Marikina River Channel Improvement Project Phase 4.
00:39Ayon sa Presidential Communications Office,
00:41inaprobahan ng board ang dagdag na project cost ng Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project
00:46mula sa dating 9.891 billion pesos na ngayon ay nasa mahigit 22 billion pesos na.
00:52Ayon sa Pangulo, mas matututukan ang kakayahan ng istruktura sa nagbabagong panahon gayon din ang pabahay sa mga maapektuhang lugar.
01:00Dagdag pa niya na talagang tataas ang pondo kasunod ng adjustment pero pasok pa rin naman anya ito sa guidelines.
01:06Inaprobahan din ng board ang pagpapalawig ng implementasyon ng proyekto mula Abril ngayong taon hanggang sa September ng 2029.
01:14Gayon din ang ilang kailangan gawin sa proyekto gaya ng pagpapalawak ng diversion channels at karagdag ang mga drainage.
01:21Inadjust din ang loan reallocation ng proyekto na may kabuuan na 1.042 billion Japanese Yen mula sa consulting services at contingencies.
01:30Sa ngayon, nasa 44% na ang physical accomplishment ng proyekto at aabot na sa 35% ang na-disburse na pondo para rito.
01:38Layon ng proyekto na mabawasan ang epekto ng baha sa San Juan River Basin at Maalimango Creek Drainage Area sa Cavite.
01:45Lusot na rin sa board ang mahigit P57 billion na project cost para sa phase 4 ng Pasig Marikina River Channel Improvement Project.
01:52Palalawigin din ang implementation nito mula December 25, 2025 hanggang March 2031.
01:58P3.363 billion Japanese Yen na reallocation naman ang inaprobahan ng board para rito kasama na ang supplemental loan na P45.759 billion Japanese Yen.
02:08Ipinaabot din ang Pangulo na dapat matutukan ang disenyo ng proyekto na nakaangkla sa nagbabagong panahon ng maiwasa ng spillover ng Marikina River,
02:16bagay na tiniyak namang tutugunan ng DPWH.
02:19Target ng proyekto na mabawasan ang pagapaw ng Pasig Marikina River sa panahon ng bagyo, kung saan magbebenepisyo ang maraming lugar sa Metro Manila at karating na probinsya.
02:29Binigyan din ang Chief Executive na sa pamamagitan ng hakbang na ito, mas mapoprotektahan ang maraming buhay at masisiguro ang progreso nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng nakararami.
02:40Naaprobahan din sa pulong ng NEDA board ang implementation ng Philippine International Exhibition Center Project.
02:45Gayun din ang pagkuhan ng 40 units ng fast patrol crafts na popunduhan naman sa ilalim ng official development assistance.
02:53Kenneth Paciente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended