Reorganization ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, ipinag-utos ni PBBM

  • 3 weeks ago
Reorganization ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, ipinag-utos ni PBBM;

Operasyon ng LRT-1, pansamantalang isususpende sa tatlong weekend
Transcript
00:00PTV Balita ngayon. Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang reorganization ng Interagency Task Force on Zero Hunger.
00:15Layo nito na mas maging efektibo at maayos ang pagpapatupad ng Anti-Hunger at Poverty Program ng Pamhalaan.
00:23Base sa kautusan, ang Secretary ng DSWD ang magsisilbing Chairperson ng Task Force.
00:30Habang magsisilbing Co-Chairperson ang Executive Director ng National Nutrition Council at Vice Chairperson ang Secretary ng Department of Agriculture.
00:40Matatandaan sa latest survey ng SWS, nasa 17.6% ng mga Pinoy ang nakaranas ng involuntary hunger noong 2nd quarter.
00:52Simula sa August 17, pansamantalamunang ititigil ang operasyon ng LRT-1.
00:57Paliwanag ng Light Rail Magulang Corporation ito'y upang bigyan ng daan ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1.
01:06Ipapatupad ang tigil operasyon tuwing weekend o sa August 17 at 18, August 24 at 25, at August 31 hanggang September 1.
01:16Gahil dito, walang biyahe ang LRT-1 mula sa Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station.
01:23Handa namang umalalay ang LTFRB, MMDA at Local Government Unit sa mga maa-apektohang commuter.
01:31At yan ang mga balita sa oras na ito. Para sa iba pang update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites at PTVPH.
01:39Ako po si Naomi Tiburcio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended