Ibinebentang isda sa Agora Market sa Navotas, ligtas sa oil spill ayon sa ilang nagtitinda; ilang mga mamimili, gulay na lang ang pinipiling bilhin

  • 2 months ago
Ibinebentang isda sa Agora Market sa Navotas, ligtas sa oil spill ayon sa ilang nagtitinda; ilang mga mamimili, gulay na lang ang pinipiling bilhin

Transcript
00:00Ligtas at Sariwa. Ito ang tiniyak ng tenderang si Aling Faye sa mga itinitinda niyang isda sa Agora Market sa Navotas.
00:09Ayon sa kanya, hindi apektado ng oil spill sa bataan ang supply at kalidad ng itinitinda niyang isda pag matdoon pa ito hinango.
00:17Hindi naman apektado po.
00:18Hindi naman po kayo nangangambana po si Lira ate?
00:21Hindi naman po.
00:22Hindi naman ikinabahala ni Neryo ang balitang oil spill sa bataan, kaya bumali pa rin siya ng isda.
00:27Hindi naman kasi wala pa naman malapit na sa atin dito. Kaya nagtataga kami sa ganito kasi ito lemura eh.
00:34Sa ngayon, normal ang presyo ng isda sa pamilihan.
00:37Ang tambahan ay 50 pesos ang isang tumpok, habang 100 pesos ang isang tumpok at 150 pesos ang isang kilo ng golonggong.
00:45Nasa 150 pesos ang isang kilo ng tulingan at 160 pesos ang isang kilo ng yellowfin.
00:51Ang ibang mamimili ay pinili mo ng magulay pagamat may kataasan ng presyo nito matapos ang pagdaan ng bagyong karina at habagat sa bansa.
00:59Yung iba po kasi takot na sa isda eh. May iwas pa po sila ngayon.
01:02Nasa 10 pesos ang isang tali ng talbos ng kamote, kangkong at malunggay.
01:07Habang 10 pesos hanggang 15 pesos ang isang peraso ng carrot.
01:12Ang petchay ay 15 pesos ang isang tali, 15 pesos per perasong sayote, 20 pesos per tali naman ang sitaw.
01:19One-fourth na repolyo ay 15 pesos, 20 pesos ang apat na peraso ng bawang, 20 pesos ang tatlo hanggang apat na peraso ng sibuyas, at 25 pesos ang tatlong peraso ng kamatis.
01:31Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa BFAR na mga sampol ng isda pula bataan kung saan nangyari ang oil spill ay pumasa sa sensory analysis.
01:40Kabilang sa sinuri ay ang raw odor, las at amoy ng lutong isda.
01:44Ngunit kinakilangan pa rin ng mas masusing laboratory test para malaman kung kontaminado na ang mga isda sa lugar.
01:50Hinimok ng otoridad ng publiko na manatiling kalmado sa gitna ng insidente.
01:55Mainam din anya kung ipagbibigay alam sa kanila sakaling may makitang oil sa lake ang mga mayang isda.
02:01July 25 nang lumubog ang MT Terra Nova sa bataan na may kargang 1.4 million litrong industrial fuel oil.
02:08Naglagay na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard sa bukana ng Navotas, Malabon River.
02:13Paghahanda ito sa posibling efekto ng oil spill bagamat hindi naikita ng Navotas LG yung naaabot pa sa kanilang lugar.
02:20Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended