Ano ang walking pneumonia? | Need to Know
  • 4 months ago
Daang libong kaso ng Influenza-like illnesses (ILI) na mas kilala bilang flu o trangkaso ang naitala ng Department of Health mula January hanggang November 2023. Apat dito ay kumpirmadong walking pneumonia na ayon sa DOH ay gumaling na.

Paglilinaw ng DOH, wala raw outbreak nito sa Pilipinas at wala raw tayong dapat ikabahala sa sakit na ito.

Ano nga ba ang walking pneumonia at paano ito maiiwasan? Here's what you need to know.
Recommended