Mga agaw-eksenang kandidato sa Barangay at SK Elections, kilalanin! | Kapuso Mo, Jessica Soho

  • 6 months ago
Sa kanyang boy-next-door looks, marami ang nagsasabing pogi ang nanalong SK Chairman ng Brgy. Cupang sa Muntinlupa City. Pero marami mang nagtaas ng kilay, may ibubuga raw ang credentials at kanyang plataporma!

Ang tumakbo naman sa pagka-kagawad sa Binondo, Maynila, hindi lang idinikit ang mukha sa kanyang campaign poster, isinuot pa niya ito mismo!

Samantala, sa isang voting precinct sa South Cotabato, nagkaroon ng mala-Miss Universe na eksena matapos ang pampitong posisyon sa pagka-SK Kagawad, nauwi sa toss coin dahil may nag-tie sa botohan?!

Panoorin ang mga agaw eksena sa video.

Recommended