Nabangga ng foreign vessel! Tatlong mangingisdang Pilipino, patay sa Scarborough Shoal | GMA Integrated Newsfeed
  • 7 months ago
Patay ang tatlong mangingisda matapos umanong banggain ang kanilang bangka ng isang foreign commercial vessel sa Scarborough Shoal. Ayon sa PCG, nakarehistro sa Marshall Islands ang naturang commercial vessel at nangyari raw ang pagbangga nitong Lunes, October 2.

Nagpahatid naman ng pakikiramay si President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at sinigurado niyang pananagutin niya ang nasa likod ng insidenteng ito.

Ang detalye, alamin sa video.
Recommended