Kulto sa Surigao? | Kapuso Mo, Jessica Soho

  • 8 months ago
BABALA: SENSITIBONG PAKSA

Sa gitna ng kaguluhan nang tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Socorro, Surigao del Norte noong 2019, nangako diumano ng isang bagong paraiso ang noo’y 17 taong gulang na si Jey Rence Quilario na o mas kilala bilang “Senior Agila”.

Pero ang ipinangakong paraiso, tila naging bangungot daw para sa ilang tumakas. Ang mga menor de edad na miyembro raw kasi, diumano’y puwersahang pinagtatrabaho at sapilitang ikinakasal.

Ang usaping ito, umabot na sa Senado.

Nitong Biyernes, umakyat ng Sitio Kapihan ang #KMJS. Ang pinuno ng grupo na si Senior Agila, nakapanayam ng KMJS team.

Ang panig ng dalawang nag-uumpugang bato, panoorin sa video.

Recommended