Sekyu na sangkot umano sa holdap at rambulan ng mga estudyante sa QC, panoorin! | Resibo

  • 7 months ago
September 19, 2019 habang pauwi si Rachel at ang kanyang kaibigan, inatake sila ng grupo ng isang lalaki mula sa kanilang likuran. Sinaktong payday pa ang panghoholdup ng mga suspek! Ang mga kawatan, walang takas dahil kitang-kita sa CCTV ang pagsunod sa mga biktima! Isa sa kanila, security guard pa?

Samantala, sa Quezon City, makikita ang isang grupo ng mga estudyante na may pinagtutulungang kapwa mag-aaral. Ang biktima, nakasubsob na sa kalsada at kahit umuulan, tuloy sila sa pagsipa at pagsapak sa bata.

Panoorin ang buong kuwento sa video.