PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo sa mga isyung kinasasangkutan ng PNP | The Mangahas Interviews
  • 8 months ago
"Itong mga datos natin na mga nasasangkot na mga pulis ay from time to time inilalabas natin iyan. Tayo naman ay open at transparent sa mga action taken natin. Hindi natin itatago ito, iyon ang kaya natin i-assure na lahat ng mga pulis na nai-involve dito ay inilalabas natin iyong mga kaso. In fact, hindi lang basta inilalabas, kami rin po ang tumutulong para ma-prosecute po sila rito sa mga kaso ng mga ibang pulis involving po ng mga misdemeanor, grave misconduct. Ang mga tumatayo rin mismong mga testigo riyan ay mga kapwa pulis, which is a clear indication na kami po mismo rito ay ayaw namin na nababahiran iyong mga uniporme namin ng masasamang mga pulis na kagaya po nitong mga pulis na nai-involve."

Mistaken identity, panunutok ng baril, paggamit ng iligal na droga at iba pang kontrobersiya sa PNP ang sasagutin ni PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo. Mapapanood ang buong panayam sa #TheMangahasInterviews.
Recommended