Eroplano, bumagsak sa kalsada! | GMA News Feed
  • 10 months ago
Isang maliit na eroplano ang bumagsak sa residential street sa Waunakee, Wisconsin. Pisat ang likuran ng nabagsakang van at nayupi rin ang ilang bahagi ng eroplano. Sugatan ang 2 sakay nito at walang napaulat na nasaktan sa mga residente.

Sa Mexico naman, 16 na sasakyan ang nasangkot sa karambola. Nauwi sa sunog ang banggaan at ikinamatay ng ‘di bababa sa 5 indibidwal. Ayon sa awtoridad, sugatan din ang 14 na iba pa dahil sa insidente.

Ang detalye sa video.
Recommended