Mag-ama, sabay nakapagtapos sa senior high | GMA News Feed
  • 11 months ago
Father and daughter goals!

Naging saksi ang dalagang si Jenalyn Begornia sa pagsisikap ng ama habang pinagsasabay nito ang pagiging estudyante at janitor sa paaralan. Katunayan, bukod sa pagiging mag-ama, magkaklase pa sila sa eskuwela!

Kamakailan, nasuklian ang kanilang pagsisikap nang sabay silang nagtapos ng senior high school. Dahil sa kanyang pagpupursige, nakatanggap pa ng scholarship si Tatay Eleazar mula sa paaralan kung saan siya nagtrabaho at grumaduate.

Panoorin ang nakamamangha nilang kuwento sa video.
Recommended