Bakit hindi makaabante ang PUV Modernization Program? | Need To Know

  • last year
Atras, abante. Ito ang naging sitwasyon ng transportation sector kamakailan.

Anim na taon na ang lumipas nang magsimula ang usapin tungkol sa PUV Modernization Program. Pero ang debate at mga isyu na kalakip nito, hindi pa rin matapos-tapos.

Ayon sa PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide, isang hadlang sa modernization ng jeep ang pera na kailangan ng mga driver. Masakit umano ito sa bulsa, dahil aabot sa 2.5 million pesos per unit ang mga modern jeepney.

Bakit nga ba hindi makaabante ang PUV Modernization Program? Here's what you #NeedToKnow.

Recommended