Estudyante, naospital matapos pakainin ng basura ng kanyang teacher?! | Wish Ko Lang
  • last year
Nais ng teacher na si Mrs. Cortez na manalo sa “Cleanest Classroom Challenge” ngayong taon. Labis ang naging paghahanda niya para rito. Kahit pa sobrang pagod na ang kanyang mga estudyante sa kanyang mga utos, wala siyang pakialam. Bagamat ginalingan, hindi siya ang nanalo. Ang kanyang inis, nabaling sa ilang mga estudyante kabilang na si Ian. Si Teacher, pinakain ng basura si Ian at ang iba niyang kaklase. Kalaunan, sumama ang pakiramdam ni Ian at nalamang biktima na siya ng lead poisoning.


Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Bryce Eusebio (IAN), Jean Saburit (MRS. FLORENA CORTEZ), Sharmaine Suarez (JENNIFER), Chlaui Malayao (HANNAH), Micko Laurente (DREW), Lime Aranya (CHIN), Elora Españo (GELYN) at Janina San Miguel (MRS REYES) sa Wish Ko Lang: PINAKAIN NG BASURA!
Recommended