BINABANGUNGOT na si MJ Akhmadaliev! Kabado na kay Marlon Tapales! Last 3 Fights, TULOG lahat!

  • last year
Murodjon 'MJ' Akhmadaliev, WALANG-KAWALA kay Marlon 'Maranding Nightmare' Tapales!

Napakasarap sa pakiramdam ang maging isang world champion sa boxing.
Langit ang nadarama lalo na kung dalawang major title pa ang nakasabit sa iyong balikat.
Hangang sa pagpikit ng iyong mata para matulog, siguradong hangang tenga ang ngiti sa saya.
Paano kung sa kasarapan ng iyong panaginip biglang dumating ang bangunot mula sa Maranding!

Siguradong manginginig ka sa takot at maiihi ka sa kaba dahil alam mo na bilang na ang oras mo!

Sa videong ito kaibigan, itatampok natin ang 3 huling laban ng ating kababayang si Marlon Tapales na nagdudulot ngayon ng pangamba kay Unified Super Bantamweight Champion Murodjon Akhmadaliev.

Magandang araw mga boxing fans at welcome back sa sports manda.

Dahil sa 3 magkakasunod na stoppage wins, bumulusok paibabaw ang pangalang Marlon Tapales sa rankings ng IBF Super Bantamweight division.
Matagal mang naantala ang inaasahang laban,sa wakas plantsado na din ang araw, oras at lugar ng pakikipagbunuan ng ating kababayan sa kasalukuyang unified IBF and WBA Super World 122 pound champion na si Murodjon MJ AKhmadaliev.
Narito ang huling tatlong laban ni Marlon ‘The Maranding Nightmare’ Tapales na nagsilbing elevator paakyat sa tuktok ng IBF building para katukin ang kempeon mula sa Uzbekistan.

Recommended