Tadhana: The One That Ran Away | Teaser
  • last year
Pangarap ni Hannah (Kim Molina) ang makasal at bumuo ng kumpleto at masayang pamilya. Kaya naman nang mag-propose ang kasintahan niyang si Carlo (EA Guzman), hindi na ito nagdalawang-isip pa.
Isa sa pinaghandaan ni Hannah ay ang prenup photoshoot na naurong nang naurong dahil sa kaliwa’t kanang business meetings ni Carlo.

Isang buwan bago ang nakatakdang kasal, natuloy ang pinakahihintay niyang photoshoot. Subalit magbabago ang mga plano nila sa hinaharap nang makita ni Hannah ang photographer nilang si Jared (Paolo Contis). Tagakuha nga lang ba ng litrato ang magiging papel ni Jared o makukuha rin kaya nito ang puso ng soon-to-be bride?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: THE ONE THAT RAN AWAY ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs’Facebook at Youtube livestream.
Recommended