James Reid pinag-isipang TUMALON NG ILOG dahil sa direktor? | PEP Spotlight

  • last year
Sa PEP Spotlight interview ni James Reid at Destiny Rogers, ikinuwento ng Careless Music founder and owner isang beses na pinagalitan siya ng isang direktor sa ginagawa niya noong teleserye.

Nasa bahagi ng PEP Spotlight na "PEP Challenge: Guilty or Not Guilty" sina James at ang Mexican-American artist niyang si Destiny nang tanungin sila ng hosts na sina Rachelle Siazon at Bernie Franco kung naranasan na ba nilang ma-reprimand at work o mapagalitan o masita sa trabaho.

Hindi pa makuha nung umpisa ni Destiny kung ano ang ibig sabihin ng tanong. Ipinaliwanag naman ni James. Sagot ni Destiny, hindi raw niya naranasang mapagalitan sa trabaho.

Umamin naman agad si James na guilty siya sa tanong.

Aminado ang "Lie To Me" singer na naranasan na niyang mapagalitan sa set ng isang TV series na ginawa niya noong nag-uumpisa pa lang siyang mag-artista.

Sumigaw raw sa mikroponong hawak ang direktor at dinig na dinig sa speakers sa set ang pagsigaw nito.

Hindi pa nakuntento, pinuntahan pa ng direktor si James at harapang sinigawan at pinagalitan ito.

Kuwento pa ni James, gusto raw niyang tumupi na mistulang isang bola at tumalon na lang sa ilog sa sobrang hiya.

Panoorin ang pagkukuwento ni James at alamin kung sino ang direktor na nagalit sa kanya.

Watch the full PEP Spotlight interview here: https://bit.ly/JamesDestinyPEPSpotlight

#jamesreid #destinyrogers #lietome

Hosts: Rachelle Siazon & Bernie Franco
Director and Editor: Rommel Llanes
Music: "Scratch The Itch" by Quincas Moreira

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended