SAVE THE FISH — Ang Malawakang K’Mahong at Naghihingalong Lawa ng Sebu | Stand For Truth
  • last year
Tila malaking imburnal, masangsang ang amoy at malalim na burak ang matatagpuan sa malaking bahagi ng Lake Sebu sa South Cotabato. Ganito inilarawan ng mga eksperto mula Mindanao State University ang kondisyon ng naghihingalo umanong lawa.

Isa lang ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng malawakang K’Mahong o fish kill na tatlong beses na nangyari ngayong taon.

Sa unang pagkakataon, sama-samang pinag-aralan ng Animal Kingdom Foundation, Mindanao State University (Gen. Santos), Phillippine Coast Guard at LGU ang kondisyon ng Lake Sebu.

May pag-asa pa kayang maisalba ang Lake Sebu? At paano nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang lawa?

Panoorin ang buong detalye sa special report ni Amielle Ordoñez.

HELP SAVE LAKE SEBU: https://bit.ly/3FKu1iY
Recommended