Sarah Geronimo, humataw sa live performance ng “Dati-Dati”

  • last year
Hindi lang husay sa pagkanta, kundi sa pagsayaw rin ang ipinamalas ni Sarah Geronimo sa #AcerUnboxingHoliday event na ginanap sa SM MOA Entertainment Hall, Biyernes ng hapon, November 18, 2022.

Marami ang na-excite nang kantahin ni Sarah ang "Dati-Dati" sa nasabing event.

Matatandaang kasabay ng paglunsad ng "Dati-Dati" ay naglabas si Sarah ng madamdaming mensahe para sa nakaalitang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Noong October 29, 2022, humingi ng tawad si Sarah sa pamilya na nasaktan niya dahil sa mga desisyon niya sa buhay.

Hindi kaila na matagal nang may tampuhan sa pagitan ni Sarah at mga magulang na tutol sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli.

Sabi pa ni Sarah, “Lahat ng suporta at pag aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.

“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip.”

Kasabay noon ay ang ispekulasyon ng fans ni Sarah na ang latest song niyang “Dati-Dati” ay may kinalaman sa mga saloobin niya para sa pamilya.

#sarahgeronimo #datidati

Video: Rachelle Siazon
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended