Donasyong face mask, alcohol at school supplies, kinumpiska ng mga pulis | GMA News Feed
  • 2 years ago
Nagkagirian ang mga pulis at mga grupong namimigay ng facemask, alcohol at school supplies sa harap ng isang eskuwelahan sa Quezon City.

Ayon sa grupong nag-donation drive, kinumpiska ng mga pulis ang kanilang mga ipinamimigay na gamit nang isabay nila rito ang panawagan para sa pamamahagi ng ayuda sa mga estudyante at iba pang hinaing.

Giit naman ng QCPD, pinigilan nila ang tangkang pagsasagawa ng programa ng grupo na nakakaistorbo sa pagpasok ng mga bata.

Ang nangyaring tensyon, tunghayan sa video!
Recommended