24 Oras Express: August 15, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, August 15, 2022:

- Pres. Bongbong Marcos: Sapat ang supply ng asukal sa bansa sa ngayon; posibleng mag-import sa panahong kulang ang supply

- Sen. Imee Marcos, 'di kumbinsido sa pahayag ng Dept. of Agriculture na nagkukulang ang suplay ng puting sibuyas

- VP at DepEd Sec. Duterte, humiling sa COA na magsagawa ng 'fraud audit' kaugnay sa mga mahal pero outdated umanong mga laptop na binili noong 2021

- Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng P1.05/L tapyas sa presyo ng diesel at P0.10/L sa gasolina; P0.45/L ang bawas sa kerosene

- OCTA Research: COVID cases sa Metro Manila, posibleng nagsimula nang bumaba

- Ilang pasilidad sa San Diego Elementary School at Ismael Mathay Sr. High School, hindi muna magagamit matapos makitaan ng mga bitak at sira

- Face-to-face Kadayawan Festival, ibinalik na matapos 2 taong ipagdiwang online dahil sa pandemya

- Bride, inihatid ng kariton at kalabaw papunta sa kapilya

- Rep. Rodante Marcoleta, naniniwala na may paglabag ang TV5 sa pinirmahan nitong partnership agreement sa ABS-CBN

- 15-anyos na babae, natagpuang patay at may paso, pasa at marka ng sakal sa leeg

- Dating Agriculture Sec. Domingo Panganiban, itinalaga ni PBBM bilang bagong Usec. ng DA

- Labi ng 17-anyos na si Kian Delos Santos na napatay sa drug operation at 2 iba pa, hinukay at muling isasailalim sa autopsy

-75-anyos na ginang, 'di nagpahuli sa pag-awra sa patok na 'crystal kayak' sa Boracay

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.