DAPAT BANG I-KANSELA ANG SK AT BARANGAY ELECTIONS? | The Mangahas Interviews
  • 2 years ago
Sa pagbubukas ng ika-19 na kongreso, isa sa ipinapanukala ang muling pagpapaliban ng SK at Barangay elections ngayong taon. Ito ay para umano magamit ang pondo na tinatayang nasa P8 bilyon sa pagtugon sa pandemya at sa 2023 national budget.

Pero para kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, ang pagkakaroon ng eleksyon ay sing-halaga lalo na para sa demokrasya ng isang bansa.

Ang kanyang pahayag, alamin sa panayam ng The Mangahas Interviews.
Recommended