Rabiya Mateo shares her struggles on growing up poor | Updated With Nelson Canlas

  • 2 years ago
Aminado ang beauty queen turned actress na si Rabiya Mateo na hindi naging madali ang kabataan niya dahil sa hirap ng kanilang buhay noon. Ibinahagi niya sa Updated With Nelson Canlas kung gaano kahirap magpalipat-lipat ng bahay dahil hindi sila nakakapagbayad ng renta. Kuwento niya pa, wala rin silang sariling TV noon kaya ang kanyang nanay, nakinuod pa raw sa kapitbahay ng kanyang pageant competitions.