24 Oras Express: June 27, 2022 [HD]
  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, June 27, 2022:

- Ilang opisyal ng BOC at DA, kabilang sa listahan ng umano'y protektor at smuggler ng agricultural products

- Ilang enforcer ng MMDA, kinuyog sa gitna ng kanilang clearing operation

- Barko ng Pilipinas na maghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre, sinubukan na naman daw harangin ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal

- OCTA Research: nagtala ng high positivity rate ang Capiz at Rizal sa loob lang ng isang linggo

- Outgoing VP Leni Robredo kay Sen. Risa Hontiveros: You are now the highest elected official sa oposisyon

- Ilang produktong petrolyo, may pahabol na taas-presyo ngayong huling linggo ng Hunyo.

- VP-elect Sara Duterte, dumalo sa inagurasyon ni House Speaker Lord Allan Velasco bilang kongresista

- Ilang kalsada malapit sa National Museum, isa-isa nang isinasara bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Marcos; paghihigpit sa seguridad, pinaplantsa na

- Incoming presidential legal counsel Juan Ponce Enrile, nasa ospital dahil sa COVID-19

- Ilang transport group, naghain ng petisyon para ibalik ang mga dating ruta ng mga PUV

- Ilang idinadawit ng Senado sa agricultural smuggling, tumanggi sa paratang

- Pres. Duterte, pinasinayanan ang pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo service line sa Laguna

- China, handa raw makipagtulungan sa susunod na administrasyon para matuloy ang joint oil exploration

- US Navy destroyer sa karagatan ng Samar, itinuturing na pinakamalalim na shipwreck na nadiskubre ng mga explorer

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.