Hontiveros, makikipagtulungan sa mga dati at bagong senador
  • 2 years ago
Malaki aniyang karangalan para kay Sen. Risa Hontiveros ang muling pagkatiwalaan ng mga Pilipino at mahalal bilang senador.
"Makikipagtulungan tayo sa mga dati at bagong makakasama sa Senado upang ipaglaban ang isang lipunang marangal, makatarungan, at may pagkakapantay-pantay," pahayag ni Hontiveros.
Nasa ika-11 puwesto si Hontiveros sa botohan para sa pagkasenador, base sa 172 certificates of canvass na binilang ng Commission on Elections bilang National Board of Canvassers. #BilangPilipino2022
Recommended