2 armadong magnanakaw, arestado matapos banggain ng kanilang biktima | GMA News Feed

  • 2 years ago
Napurnada ang pagtakas ng dalawang rider na nang-holdap ng isang abogado—matapos kasi nitong isuko ang mamahaling relo at iba pang gamit, tinangka pa ng mga magnanakaw na barilin ang biktima! Kaya naman hindi nag-atubili ang abogado na banggain na lamang ang mga suspek.

Tumumba sila sa kalsada at napitpit ang kanilang motorsiklo, kaya mabilis silang nahuli ng pulisya. Ang insidenteng ito sa Bogota, Colombia, panoorin sa video!

Recommended