Pacquiao, nag-concede na sa presidential race
  • 2 years ago
Tinanggap na ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang pagkatalo sa 2022 elections.

"Bilang isang boxer at atleta, marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Sana lang kahit talo ako sa laban na ito, panalo pa rin ang mga kapwa ko Pilipino, 'yung naghihirap," pahayag ng senador.

Plano ng senador na maglaan ng oras para sa kaniyang pamilya, at ipagpatuloy ang pagtulong sa pamamagitan ng kaniyang foundation. #BilangPilipino2022
Recommended