Ilang botanteng senior citizen at PWD, nagrereklamong hindi sila ang magpapasok ng balota sa VCM | Eleksyon 2022
  • 2 years ago
Ilang senior citizen at PWD na botante ang nagrereklamo sa Cagayan de Oro College-PHINMA. Ang polisiya kasi roon, imbes na sila mismo ang aakyat para ipasok ang kanilang balota sa vote counting machine, kailangan nilang pumirma ng waiver at iasa ang kanilang boto sa election officers.


Nasa ikalawa at ikatlong palapag ng paaralan ang VCMs, at makakaantala raw umano sa mga botante kung magbaba ng ilan sa mga ito. Kulang din ang mga machines, kaya ipinatupad ang polisiya.


Panawagan ng COMELEC, magtiwala sa mga DESO (DepEd Supervisor Official). #Eleksyon2022
Recommended