'MISS U: A Journey To The Promised Land' tampok ang kahalagahan ng presensya ng isang ina
  • 2 years ago
Ngayong Sabado (May 7), matutunghayan ang isang dokumentaryong magdadala ng inspirasyon, pag-asa, lakas ng loob at pagmamahal sa tahanan ng bawat Pilipino.

Tunghayan ang istorya ng ilang kahanga-hangang kababaihan na patuloy na lumalaban sa buhay para sa kanilang mga anak, kapatid, pamilya at mga pangarap.

Sabay-sabay nating panoorin ang mahahalagang kaganapan sa paglalakbay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Israel, mapapanood na bukas, 2:30 p.m. pagkatapos ng ‘Eat Bulaga,’ dito lang sa GMA-7.