Russia vs. Ukraine— Bucha Massacre, tinawag na 'fake' ng Russia | GMA News Feed
  • 2 years ago
Fake at gawa-gawa lang daw ang Bucha Massacre, ayon sa foreign minister ng Russia.

Sa gitna 'yan ng pag-akusa sa kanila ng 'genocide' dahil sa karumal-dumal na pagpaslang sa daan-daang sibilyan sa Bucha na inokupa ng Russian Forces. Ang ilan sa mga biktima, iginapos saka binaril sa ulo. May mga babae at bata rin umanong ginahasa.

Giit ng Russia, maayos na umatras ang kanilang puwersa sa Bucha. Kinuwestyon din nila kung bakit inabot ng 2 araw bago inilabas ang mga litrato at video ng mga biktima.
Recommended