24 Oras Express: March 29, 2022 [HD]
  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, March 29, 2022:

- Krudo na nakasilid sa drum at iba pang container, nabistong iniimbak sa loob ng isang simbahan; suspek sa paihi, arestado

- Lalaking lulong umano sa sabong at iba pang bisyo, pinagbabaril ang pamilya ng kaniyang nobya na tumangging makipagbalikan sa kaniya

- Sec. Duque: Responsibilidad ng mga LGU ang masigurong 'di magiging superspreader event ang mga pagtitipon

- Presyo ng ilang bilihin gaya ng manok, isda at gulay, tumaas na rin

- Diplomatic protest vs China dahil sa delikadong pagmamaneobra umano ng barko nila sa Panatag Shoal, inihain ng Pilipinas

- Sen. Manny Pacquiao, nag-motorcade sa iba't-ibang bahagi ng Quezon City

- VP Leni Robredo, nangakong aasikasuhin ang mga kalsada para mas lalong maging accessible ang mga lugar sa Northern Samar

- Sen. Ping Lacson, papalitan na ang campaign slogan na mula umano kay Partido Reporma Pres. Pantaleon Alvarez

- Ana Jalandoni, humarap sa media matapos ang umano'y pananakit sa kaniya ng aktor at kasintahang si Kit Thompson

- Ilang senador, nagbigay ng pahayag sa panawagan ng election watchdog na "Kontra-Daya" na mag-inhibit sa imbestigasyon kaugnay sa umano'y security breach sa Smartmatic

- Mayor Moreno, nakipagpulong sa mga kinatawan ng SpaceX ni Elon Musk para isulong ang mas mabilis na internet connection sa Maynila

- Dating Sen. Bongbong Marcos, Muling iginiit ang mensahe ng pagkakaisa sa campaign rally sa Sultan Kudarat

- Ang aktibidad ng iba pang tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa

- COVID-19 risk level ng Pilipinas, ibinaba na ng US CDC sa level 2 o moderate

- 26-anyos na seaman, umabot nang P2-M ang naipatalo sa pagtaya sa e-sabong o talpakan

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.