Direktor ng 'Black Panther' at kasama niyang Pinay, napagkamalang holdaper | GMA News Feed
  • 2 years ago
Inaresto matapos mapagkamalang holdaper sa bangko ang direktor ng award-winning Marvel superhero movie na 'Black Panther' na si Ryan Coogler.

Napagkamalan siya pati ang dalawang kasama niyang babae kabilang ang isang Pinay matapos niyang mag-abot ng note sa teller. Malaking halaga umano kasi ang balak niyang i-withdraw at ayaw umano nitong kumuha ng atensyon.

Nag-panic daw ang teller at inakalang bank robber ang kanyang kausap kahit nakapagbigay naman ng ID si Coogler.

Ang naging pag-aresto sa kanya, tunghayan sa video!
Recommended