XDP: Sakit mula sa isla ng Panay | Stand for Truth

  • 2 years ago
“Mahirap! Mahirap! Masakit! Sa leeg, naninigas. Sa dila ko kapag wala akong ginagawa, kusa siyang lumalabas.”

Ilan ito sa mga nararanasan ng 38-anyos na si Jeffrey na may XDP o X-linked dystonia parkinsonism–sakit na kadalasang sa lalaki tumatama at nagmula umano sa isla ng Panay na sumasakop sa mga probinsya ng Aklan, Capiz, Antique at Iloilo.

Sa datos ng Sunshine Care Foundation, isang support group sa Capiz, dalawa sa bawat 10,000 Filipinos mula sa Western Visayas ang may ganitong kondisyon. Sa kabila ng pagiging endemic nito sa bansa, hindi ito napagtutuunan ng sapat na pag-aaral.

May pag-asa bang makapamuhay nang normal ang mga taong may XPD. Panoorin ang report.

SA MGA NAIS TUMULONG SA MGA PASYENTE NG SUNSHINE CARE FOUNDATION, MAAARING MAKIPAG-UGNAYAN SA KANILA GAMIT ANG E-MAIL ADDRESS AT MGA NUMERONG ITO:

SUNSHINE CARE FOUNDATION
PATIENT SERVICES DEPARTMENT
contact@sunshinecarefoundation.org
+63-908-8843-135
+63-917-8414-234

---

SA MGA NAIS TUMULONG KAY JOHN PAUL AMOROSO AT SA KANIYANG PAMILYA, MAAARING MAKIPAG-UGNAYAN SA KANIYA GAMIT ANG NUMERONG ITO:

+63-995-7656-593

---

SA MGA NAIS TUMULONG KAY JEFFREY GUEVARRA, MAAARING MAKIPAG-UGNAYAN KAY ROSENIE "CENY" LOPEZ CHIVERS GAMIT ANG NUMERONG ITO:

+63-927-0874-767

‘Stand for Truth’ is a daily digital newscast that focuses on data-driven reports for the millennial audience. Watch it weeknights on GMA Public Affairs' YouTube channel.

Recommended