Balitanghali Express: November 1, 2021
  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, November 1, 2021:

- Ilang pasyalan sa Marikina at San Juan, maagang dinayo ng mga gustong mag-exercise ngayong sarado ang mga sementeryo
- Apela ng UV Express drivers: isama sila sa pilot implementation ng 70% seating capacity sa mga pampublikong sasakyan
- Ilang residenteng apektado ng water interruption, nagkumahog sa pag-iigib ng tubig
- DOH: 3,410 ang naitalang bagong COVID-19 cases sa bansa
- Libreng COVID RT-PCR test, alok ng DOT para sa local tourists
- Mga nagbibisikleta at nag-exercise, maagang pumunta sa Marikina River Park
- Dating aktor na si Jace Flores, inireklamo ng mga umano'y naloko kabilang ang pinagbentahan ng pekeng mamahaling relo
- Rider at kanya umanong nasagasaan, patay; angkas ng nakabanggang rider, sugatan
- Mamamahayag sa Davao del Sur, patay sa pamamaril sa loob ng kanyang apartment
- Babaeng hinablutan ng bag, nakaladkad; riding-in-tandem na suspek, arestado
- DOH: pag-aaralan na rin ang pagbabakuna kontra-COVID sa mga edad 5-11
- Babaeng sangkot umano sa milyon-milyong pisong investmen scam, arestado
- Ilang Kapuso stars, pabonggahan sa kanya-kanyang paandar sa Halloween
- Mga namamasyal, nagtungo sa harbor view
- Weather Update
- Motorbanca na bumiyahe nang walang clearance ng PCG, tumaob; 50 sakay, nasagip
- Mga mamimili, dagsa sa mga binuksang tiangge sa Marikina Riverbanks
- Panayam ng Balitanghali kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr.
- Tanong sa Manonood: Ano ang masasabi mo sa posibilidad na ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila kung patuloy ang pagbaba ng COVID cases?
- Buy-bust laban sa lider ng Ompong drug group, nauwi sa barilan
- Taas-presyo sa LPG at Auto-LPG ng Petron, magsisimula mamayang 4pm
- Ilang international stars, may kanya-kanyang peg at paandar para sa Halloween
- 12-anyos na bata na mahilig sa musika, nakatanggap ng maagang aguinaldo
- Job opening sa BFAR at DepEd sa Region IV
- Karagdagang 2,098,980 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine, dumating sa bansa kagabi
- "Karma" music video ni Skusta Clee, trending; tampok sina Gloc 9 at Bea Alonzo
- Ilang lugar, kaniya-kaniyang paandar sa Halloween celebration
- Mga vaccinator sa isang mall, nag-Halloween costume
- Lola sa Aklan, nagpapaturo ng aralin sa math para maituro niya sa kaniyang mga apo

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.