Dr. Nemuel Fajutagana on health workers' benefits | The Mangahas Interviews
  • 3 years ago

"Napakabilis nilang ma-release 'yung bilyon-bilyong budget doon sa isang sinasabi nilang supplier ng mga PPE at masks. Eh bakit ngayon hindi pa natin nailalabas itong benepisyo ng ating health workers?"

Wala raw makitang dahilan ang chairperson ng Medical Action Group na si Dr. Nemuel Fajutagana para hindi maibigay ng gobyerno ang nakalaang benepisyo para sa mga medical frontliner. Giit niya, nasa batas ito.

Nitong Miyerkules, nagprotesta sa harap ng Department of Health ang ilang off-duty health workers mula sa iba't ibang ospital dahil sa unreleased benefits para sa kanila sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kabilang dito ang special risk allowance (SRA), active hazard duty pay, at allowance para sa meals, accommodation, at transportation.

Ang panayam kay Dr. Nemuel Fajutagana, silipin sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.
Recommended