Wish Ko Lang: LEGAL WIFE, MAGIGING KERIDA? MISIS NA INIWAN NI MISTER DAHIL SA KATRABAHO, RERESBAK?

  • 3 years ago
Tulad ng maraming relasyon, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng batang mag-asawang sina YASMIN (Sanya Lopez) at REX (Anjo Damiles). Inagaw si Rex ni SOPHIE (Arny Ross), isa sa kanyang mga katrabaho.

Isa sa pinakanaapektuhan sa hiwalayan nina Rex at Yasmin ay si TERESA (RITA AVILA), ang Nanay ni Yasmin na talaga namang napalapit kay Rex.
Nagtagal naman ang relasyon nina Rex at Sophie, pero matapos ang apat na taon, babalik sa buhay ni Rex si Yasmin. Namangha naman si Rex dahil npakaganda, sexy at successful businesswoman na ang kanyang ex wife.

Ang dahilan ng pagbabalik ni Sophie -- may Alzheimer’s Disease kasi ang kanyang ina at nagbabasakali siyang magbalik ang mga alaala nito kapag nakita niya si Rex.
Tama kaya ang desisyon niya? Paano kung paghinalaan naman siya ni Sophie na inaagaw ang… asawa niya?

Huwag palalampasin ang FINALE EPISODE ng Wish Ko Lang Anniversary Special “TO LOVE AGAIN”, ngayong Sabado, July 31, 4 PM sa GMA-7! #WishKoLang19

Recommended