UNANG GINTO: A ‘Stand For Truth’ Olympic Series: Kurt Bryan Barbarosa | Stand for Truth
  • 3 years ago
Isa sa pinakabatang lalahok sa 2020 Tokyo Olympics ang 22-anyos at tubong Bangued, Abra na si Kurt Bryan Barbarosa, ang pambato ng Pilipinas sa Taekwondo.


Sa murang edad, namulat na sa sipa at suntok ng Taekwondo si Kurt kaya naman siya na ang pambato noon sa Taekwondo clinic sa Bangued.


Pero ang karera niya para makamit ang puwesto sa larangang ito, hindi naging madali. Ngunit sa kabila ng ilang pagkatalo, hindi pinanghinaan ng loob si Kurt.


Ang kuwento ni Kurt para maabot ang 2020 Tokyo Olympics, panoorin sa Olympic series ng ‘Stand For Truth’.

Recommended