XOXO may nakakatawang kuwento tungkol sa pagkaka-eliminate nila sa The Clash | PEP Live Choice Cuts

  • 4 years ago
Mula sa pagkaka-eliminate sa The Clash season one, naging mga miyembro ng all-girl singing group na XOXO sina Mel Caluag, Lyra Micolob, Dani Ozaraga, at Riel Lomadilla.

Sa kanilang PEP Live appearance, kasama sa napag-usapan ang kani-kanya nilang istilo sa musika at pag-awit.

Pero hindi sinasadya, naungkat din ang mga naging dahilan ng pagkaka-eliminate nina Dani at Riel sa The Clash dahil sa mga inawit nila sa nasabing Kapuso reality singing competition.

Si Dani, nabanggit na English talaga ang mga piyesang sanay siya. Pero kapag pinapakanta siya ng Tagalog, napupunta siya sa bottom position ng singing contest.

Nagkatawanan tuloy ang mga singers dahil sa nabanggit ni Dani na, "nabo-bottom ako."

Mas malala ang kay Riel na nang tanungin ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon kung ano ang favorite song sa dalawang kinanta nito sa The Clash ay lalong nagkatawanan ang XOXO members.

"Wala po akong choice, e. Dalawa lang... Kasi kung tatanungin nyo po ako yung isa pong kanta do'n po ako natanggal, wag na po yun!" natatawang sagot ni Riel.

Panoorin ang masayang tsikahan nila sa video na ito.

Para sa kumpletong PEP Live interview ng XOXO, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=N-yLc2-QkAI

#XOXO #XOXOonPEPLive #TheClash

Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Justine Gan

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us! Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended