Ang babae sa likod ng viral "Introduce yourself in the most creative way" video

  • 4 years ago
Two years ago, nung nasa college pa si Aira Lopez sa Angeles University Foundation, ni-require siya at ang kanyang mga kaklase ng kanilang theater arts professor na i-introduce ang sarili "in the most creative or most unique way."

Ang ginawa ni Aira, nag-record ng video at sinaliwan ito ng melody ng kantang "The Show" ni Lenka.

Nung nasa harap na siya ng klase para i-introduce ang sarili, sinabayan niya ang tugtog pero iba ang lyrics--ang mismong introduction niya sa sarili.

Naging viral ang video niya na in-upload nung April at mayroon nang mahigit sa 10 million views at lagpas-8 thousand nang comments as of this writing.

Reaksyon ni Aira sa pagtanggap ng netizens sa kanyang video: "Sobrang unexpected kasi I just did it for fun talaga.

"At the same time nagba-vlog na rin ako, so, ishinare ko rin dahil for sure baka hindi nila nakita yung video na yan, so naisipan ko lang siyang i-share ulit."

Panoorin ang video para makita kung bakit ito nagkaroon ng 10 million views at mas makilala pa ang babae sa likod ng video na ito.

#airalopez #introducingyourselfinthemostcreativeway

Video Producer and Editor: John Henri Mariano

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended